Bakit
mahalagang matutuhan ng isang tao ang mga wika o wikaing ginagamit sa kanyang
paligid?
Mahalagang matutuhan
ng isang tao ang mga wika o wikaing ginagamit sa kanyang paligid para sa maayos at bukas na komunikasyon sa
kanyang kapwa. Kung matututunan niya ang mga wika sa kanyang paligid
hindi siya mahihirapang makipag-usap o makipag-ugnayan sa iba at upang may
kamalayan siya sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid. Kung hindi
alam ng isang tao ang wikaing ginagamit sa kanyang paligid mahihirapan siyang
makapahayag ng iniisip, saloobin at emosyon. Hindi siya mag kakaroon ng
kaibigan o kakilala, maiiba din ang tingin ng mga tao sa kanya at maaaring
ituring siyang hindi kabilang sa kanilang komunidad at gawan ng mga masasama/di
magandang kuro-kuro o tsismis.
Sa
paanong paraan maaaring makatulong sa isang tao ang pagiging multi-lingual?
Magtala ng mga pamamaraan?
Makakatulong sa isang
tao ang pagiging muti-lingual sa mga paraang pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan
sa mga taong iba ang wika kaysa sa wikaing ginagamit. Bukod sa Malaya at epektibong
pakikipag-usap sa mga taong iba ang wika, nakatutulong din ito sa pagkakaroon
ng maayos at bukas na komunikasyon sa kanyang kapwa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento